CAMARINES NORTE- Mababa pa rin ang COVID- 19 vaccination coverage sa Camarines Norte para sa mga batang edad 5- 11 taong gulang.
Batay sa datos ng Provincial Covid- 19 Vaccination Operation Center hanggang nitong Biyernes, October 7, nasa 13, 650 pa lang ang nababakunahan sa target population na 68, 347.
Sa labing dalawang bayan, tanging ang Capalonga pa lang ang may mataas- taas ng porsiento ng mga nabakunahan sa naturang age group.
Umaabot sa 1, 995 sa target population na 3, 775 ang nabakunahan na o 52. 8 percent.
Ang Basud ay mayroon namang nabakunahan na 1, 637 sa target na 4, 805 o 34 percent.
Habang ang pinakamaliit na bayan ng San Vicente ay mayroong nabakunahan na 413 sa target na 1, 217 o 33. 9 percent
Umaabot naman sa 1, 798 sa target na 5, 956 o 30. 2 percent ang nabakunahan sa bayan ng Mercedes.
Nasa 863 naman aang nabakunahan sa Talisay sa target na 3, 028 o 28. 5 percent.
Ang Daet na siyang kabiserang bayan sa lalawigan ay nakapagbakuna ng 2, 632 sa target na 12, 282 o 21. 4 percent.
Nasa 963 naman ang nabakunahan sa Vinzons sa target na 5, 097 o 18 percent.
Ang nalalabi pang mga bayan ay wala pang 15 percent ang vaccination coverage sa mga batang edad 5- 11 taong gulang tulad ng Labo, Sta Elena at Paracale.
