CAMARINES NORTE- Pinaalalahanan ng Civil Service Commission ang mga kukuha ng 2022 Career Service Examination, Pen and Paper Test sa darating na Linggo, June 19, na pumunta ng maaga sa venue.
Ayon kay Camarines Norte Acting Director II Atty. Alicia Salinas ng Civil Service Commission bubuksan ang gate ng testing venue alas 6: 30 pa lamang ng umaga.
Isasara naman ang gate alas 7: 45 ng umaga at hindi na papasukin ang late examinees.
Pinaalalahanan din ni Salinas ang mga examinees na dalhin ang original na vaccination card at valid ID.
Dapat aniyang magsuot ng puting damit ang mga examinees.
Samantala, nakapaskil na sa gate ng CSC ang room assignment para sa linggo.
Ang testing venue ay sa Camarines Norte State College main campus.
Ang kada kwarto ay mayroong 16 na examinees na mas marami kumpara sa 12 noong March 2022 examination.
Mababatid na noong pang nakaraang linggo ay nagpadala na ng abiso ang CSC sa pamamagitan ng text message para sa kanilang room assignment.
