DA Bicol namahagi ng ayuda sa mga magsasaka sa Camarines Sur

NAGA CITY- Namahagi ng ayuda ang Department of Agriculture-Bicol sa mga magsasaka sa Pili, Camarines Sur bilang bahagi ng Rice Clustering Program o Model Farm Intervention Distribution.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Emily Bordado Tagapagsalita ng  DA– Bicol, sinabing ito ay pinapadaan sa mga organisadong grupo; mga tinatawag na clustered farm ay ang mga sakahang may higit isang daang hektarya ang lawak.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Kabilang ang mga nasabing ayuda ay ang mga 15kgs Seeds, 1bag Urea Fertilizer, 1pack Bio-Fertilizer, 4lts Foliar Fertilizer, 4pack Plant Growth Enhancer at technical assistance at iba pang bagay na makaktulong sa mga magsasaka sa mas modernong paraan.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Layon ng programang ito na mapromote ang makabagong  pamamaraan ng pagsasaka at bagong teknolohiya na makakabawas sa gastusin ng produksiyon ng mga produkto sa kanilang sakahan bawat hektarya.