Presyo ng gasolina sa Camarines Norte halos P90 na kada litro

CAMARINES NORTE- Halos P90 na kada litro ang presyo ng gasolina sa lalawigan ng Camarines Norte.

Kasunod  ito ng panibago na namang big time oil price hike na ipinatupad  nitong Martes, June 14.

Sa Shell Mancruz nasa P89.99 ang kada litro ng kanilang  V- Power gasoline, P88.00 sa Fuel save gasoline, P92. 49 sa V power diesel at P87. 50 sa Fuel save diesel.

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu

Sa Caltex P88. 50 ang kada litro ng Platinum, P88.00 sa Silver at P87. 50 sa Diesel.

Ganito rin ang presyuhan sa katabi nitong Seaoil gasoline station para naman sa kanilang Extreme 95, Extreme U at Exceed diesel.

Pareho rin ang presyuhan sa Ptt gasoline station para naman sa kanilang BlueDiesel, Blue Gasoline 93+ at Blue Gasoline 95+.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Wala ring  pinagkaiba ang presyuhan sa Petron Pandan para naman sa kanilang diesel, Extra Advance at XCS habang ang kanila namang Turbo diesel ay pumapalo na sa P89. 50.

Pareho rin ang presyuhan sa katapat nitong Phoenix petroleum para sa kanilang diesel, Super unleaded at premium.