Muntinlupa NBP, pinakamalalang supermax prison – Catapang

Inamin ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. na ang New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ay ‘pinakamalalang supermax prison.’

Ayon kay Catapang, nasa-below standard ang kalagayan ng kulungan dahil dekada na umanong napabayaan ang lugar.

Dagdag pa niya, isang pangunahing problema ang kakulangan sa pasilidad at dami ng bilanggong ipinapadala sa presinto.

Read More:  Remulla rebukes Bondoc over ICC warrant service

Giit ng BuCor Director General, dapat nasa 6,000 ang kapasidad ng bilangguan ngunit ngayon nasa higit 30,000 ang nakadetine rito.