CAMARINES NORTE- Inihayag ng Civil Service Commission na limitado pa rin ang bilang ng mga kukuha ng Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE- PPT) sa August 7, 2022.
Ayon kay Camarines Norte CSC Acting Director II Atty. Alicia Salinas, hindi pa rin bumabalik sa normal na 25 examinees kada classroom dahil kailangang masunod ang health protocols sa kabila ng pagluluwag ng restrictions.
Kaya naman tulad ng ipinatupad noong June 2022 CSE-PPT ay 16 pa rin ang examinees kada classroom.
Nasa 50 classroom ang uukupahin sa Camarines Norte State College Main Campus kung saan mayroong Memorandum of Agreement ang CSC sa pagsasagawa ng naturang eksaminasyon.
Aabot sa 800 ang kukuha ng exam para sa professional at sub professional.
Ito na ang ikatlong pagkakataon na ginagawa ang naturang exam sa Camarines Norte.
Ayon kay Salinas kung sa mga sususnod na pagkakataon ay kulangin ang ginagamit na classroom sa CNSC main campus ay pwede umano nilang gamitin ang dati nang ipinahiram ng DepEd.
Aniya mayroong mga code sa ginagamit na eskwelahan kaya hindi pwedeng basta magsagawa ng exam sa kahit saan.
Dati pa rin daw ang ipapatupad na health protocols sa examination sa Agosto kung saan ang mga examines ay dapat fully vaccinated. Kung walang bakuna ay dapat itong mag prisenta ng negative
