Senador – pinaalisto ang PSA at DFA laban sa identity theft

Pinaalalahanan ni Senador Win Gatchalian ang Philippine Statistics Authority at Department of Foreign Affairs na maging alisto laban sa anumang identity theft.

Kasunod ito ng kanyang pagsiwalat na tila ninakaw lang ni Mary Ann Maslog ang katauhan ng nagngangalang ‘Jessica Francisco’ base sa hawak nilang marriage certificate.

Read More:  Palace says ‘no one is above the law’ as VP Sara seeks oral arguments in grave threats case

Si Maslog ang dating sangkot sa 1998 textbook scam na nagpanggap nang namatay noong 2019.

Samantala, humarap din sa Senado ang isa pa sa nabiktima ng identify theft na si Merlie Castro at mariin nitong tinanggi na incorporator siya ng Hongsheng Gaming Technology.

Read More:  DepEd strengthens student counseling after Zamboanga school shooting

Samantala, tiniyak ni Senadora Risa Hontiveros dito na mapapasakamay din nito ang hustiya sa tamang panahon.