SORSOGON CITY – Bumaba ng 397 o 20.15% ang crime volume ng Sorsogon sa taong 2021 kumpara noong 2020.
Base sa statistical data na ekslusibong nakuha ng Brigada News sa opisina ng Provincial Investigation, Detection and Management Branch (PIDMB), ang crime volume ng Sorsogon noong nakaraang taon ay umabot lamang sa 1,573 kumpara sa 1,970 noong 2020.
Sa 1,573 na crime volume, 210 dito ay Index crime o 13.35% habang ang 1,363 o 86.65% ay Non-Index Crime.
Ang index crime ay nahahati sa dalawa, ito ay ang crimes against person at crimes against property habang ang ibang krimen kasama na ang traffic incidents at special laws ay itinuturing na non-index crimes.
