COVID vaccine sa Cotabato City, kinakapos na!

COTABATO CITY – KINAKAPOS ngayon ng suplay ng bakuna kontra sa Coronavirus Disease (Covid-19) ang ang Cotabato City lalo na para sa first dose.


Ito mismo ang kinumpirma kahapon ni Dr. Floyd Caoagdan, City Health Covid-19 Vaccination Campaign spokesperson sa Brigada News FM.


Sinabi ni Dr. Caoagdan na last week pa inanunsyo ng City Health na limitado na lang ang supply ng Cotabato City sa vaccines para sa first dose ibig sabihin ay wala nang maibibigay para sa mga nais na magpabakuna dahil naubos na ang kanilang pang first dose.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized


Sa kabila nito, wala namang dapat ipangamba ang mga nakatanggap na ng kanilang second dose dahil available pa naman ngayon ang kanilang COVID vaccine para sa kanilang second dose.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique


Ipinaliwanag ni Caoagdan na isa sa mga nakikitang sanhi kung bakit bahagyang kinakapos ng suplay ang lungsod ay dahil noong pang June 25 pa ito huling tumanggap ng COVID vaccine mula sa National office.


Sa kabuuan nasa 18,636 na mga residente ng syudad ang tumanggap ng kanilang first dose at 7,750 para sa second dose.