Patuloy ang pagdagsa ng mga Chinese ships sa bahagi ng West Philippine Sea sa kabila ng mga inihaing diplomatic protest ng Pilipinas.
Ito ay ayon sa ginawang pag-aaral ng Asia Maritime Transparency Initiative of the Center for Strategic and International Studies.
Napag-alaman umano ng AMTI na kapag sinisita ng ibang mga bansa ang China, imbes na tuluyang lisanin ang lugar, pansamantala lang itong umaalis subalit bumabalik din sa kalaunan.
Inihalimbawa ng international think-tank ang diplomatic protest na inihain ng Pilipinas noong Sept. 30, kung saan umalis umano ang sinitang mga Chinese vessels sa Iroqois reef subalit lumipat lamang ito sa ibang bahagi ng West Philippine Sea.
Patunay lamang ito ayon sa AMTI ng tinatawag na ‘shell game’ ng Chinese Militia.