Nilinaw ng isang infectious disease expert na hindi masasabing balewala ang kasalukuyang COVID-19 vaccines laban sa bagong Omicron variant.
Ayon kay Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine chief ng San Lazaro Hospital, Dr. Rontgene Solante, mula sa 32 mutations ng virus siyam dito ay nag-over lap sa Alpha, Gamma at Delta.
May patunay umano ayon kay Solante na mabisa pa rin ang mga bakuna laban sa naturang mga variants kahit pa sa Delta at Gamma na sinasabing variant of concern.
Subalit aminado naman si Solante na nababahala ang mga health experts sa buong mundo dahil posibleng mas mabagsik ang Omicron variant kesa sa Delta variant na naging dahilan ng COVID-19 surge sa iba’t-ibang panig ng mundo.
