6 na buwan na pagitan, kailangan bago ang booster shot

SORSOGON CITY – Nagpapatuloy na ang Dept of Health Sorsogon sa pagbibigay ng booster shot, kinumpirma ito sa Brigada News FM ng pinuno ng ahensya na si Dr. Gladys Escote.

Ayon dito, bagama’t prayoridad nila ang pagtuturok ng 1st at 2nd dose, maaari na ring magpaturok ng booster shot.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Noong nakatalikod na linggo ay kanila nang sinimulan ang pagbibigay nito sa mga kabilang sa A1 category, habang on- going naman para sa mga kabilang sa A2 at A3 category batay sa inilabas na advisory ng DOH.

Nilinaw naman ng opisyal na kailangan munang palipasin ng bakunado ang 6 na buwan pagkatapos ng kanyang 2nd dose bago mabigyan ito ng booster dose.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Aniya, ito umano ang ideal na periyod ng pagbibigay ng booster shot batay na rin sa rekomendasyon ng DOH.

Dagdag pa ng opisyal na ang mga bakunang maaaring ibigay na booster shot ay  ang mga bakunang Sinovac, Astrazeneca, Pfizer, Moderna at Gamaleya, habang sa naturukan ng Janssen ay puwedeng booster shot ang Pfizer, Astrazeneca at Moderna.