COVID- 19 vaccine sigurado ang proteksyon- DOH

CAMARINES NORTE- Iginiit ng Department of Health (DOH) na sigurado ang ibinibigay na proteksyon ng bakuna kontra COVID- 19.

Yan ay sa gitna pa rin pag- aalinlangan ng ilan sa ibinibigay na bakuna sa kabila ng pagpapaliwanag ng mga eksperto ukol dito.

Ayon sa departamento dumaan sa “scientific process” ang mga bakuna kontra COVID- 19 bago ito iturok sa mga tao.

Bagamat maaari pa ring tamaan ng COVID- 19 ang isang bakunado ay maiiwasan naman umano ang severe case o pagkamatay ng tao

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Ayon naman kay acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco, sa ngayon ay wala pa siyang hawak na datos ukol sa mga fully vaccinated na dito sa lalawigan ng Camarines Norte na tinamaan pa rin ng COVID- 19.

Gayunman may ganito na umano siyang natanggap na report.

“Actually wala pa akong data pero mayron akong isang report na mayroong nagkaroon, even though meron siyang second dose ng bakuna ay nagkaraoon pa rin ng COVID- 19.”

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Matatandaan na dati na ring sinabi ng DOH na maituturing lang na “fully vaccinated” ang isang tao dalawang linggo matapos niyang matanggap ang ikalawang dose.

Batay sa vaccine statistics, nasa 22, 360 na ang nabakunahan sa lalawigan.