COVID-19 vaccinations sa Manila, magpapatuloy sa kabila ng malakas na buhos ng ulan ayon kay Moreno

Tiniyak ni Mayor Isko Moreno na hindi titigil ang COVID-19 vaccinations sa lungsod ng Maynila kahit anong mangyari.

Sinabi ito ng alkalde matapos ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkadismaya nito sa mga local government units na nagpapahintay sa mga vaccine recipients sa mahahabang pila sa gitna ng ulan.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Sa Facebook livestream ni Moreno ay inanunsyo niya na magpapatuloy ang trabaho ng pamahalaang panlungsod upang makamit ang objective nito na mabakunahan ang 70% ng mga residente ng Maynila.

Iginiit ni Moreno na tuloy ang vaccination drive sa lungsod mapa-ulan, bagyo, o baha.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Nagpasalamat naman ang alkalde sa pribadong sektor at sa ibang mga paaralan dahil sa pagbibigay nito ng mga karagdagang venues para sa vaccination program ng lungsod.

Samantala, kaugnay sa isyu ng pagbaha, ay isinisi naman ito ni Moreno sa dating liderato at sa kakulangan ng drainage system sa Metro Manila.