Water system, pinaplano sa 2 lugar na tinamaan ng cholera outbreak

KORONADAL CITY — PINAPLANO ngayon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management office o MDRRMO — Surallah kasama na ng mga barangay officials ng Barangay Colonggulo na lagyan ng water system ang dalawang sitios na tinamaan ng cholera outbreak.

Ayon kay Barangay Kagawad Roger Maguad, chairman ng Committee on Health, nasa 10 cubic free outlet ng tubig ang ibibigay ng Surallah Water District para sa Sitio Villag Ellaga at Sitio Basag ng nasabing barangay.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Dagdag pa ni Maguad na P1 kada araw lamang ang babayaran ng mga residente para sa maintenance ng kanilang water system.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Maliban dito, pinaplano din ang paglalagay ng public toilet sa dalawang sitios upang masigurong malinis ang pinagkukunan nila ng tubig.

Una rito, nakitaan ng bacteria na pinaniniwalaang dahilan ng cholera ang pinagkukunan ng tubig ng mga residente sa lugar.