COVID-19 testing czar: ‘On track’ ang gov’t sa pagtatayo ng modular hospitals

Ibinahagi ng testing czar Vince Dizon na posibleng matapos na sa susunod na buwan ang konstruksyon para sa modular hospitals, bilang bahagi ng COVID-19 response.

Ayon kay Dizon, sa ngayon ay ‘on track’ naman sila, kung saan inaasahang makakabuo ng halos 3,000 karagdagang higaan sa mga ospital.

Dagdag ng deputy chief implementer ng National Task Force Against COVID-19, na ang naturang beds, ay gagamitin para sa moderate at severe COVID-19 cases.

Samantala, pinaalalahanan naman nito ang publiko na hindi lang nag-iisa ang gobyerno sa pagtayo ng modular hospitals, dahil bahagi rin umano dito ang private sector, maging ang ilang organisasyon gaya Philippine Red Cross.

Mababatid na nitong linggo nang ilunsad ng humanitarian organization ang emergency field hospital na may 18 tents sa Lung Center of the Philippines, na makakatulong na matugunan ang tumataas na demand para sa hospital beds, habang nagset-up rin ang PRC ng isolation facilities sa Ateneo De Manila University,  University of the Philippines-Diliman, at De La Salle College of Saint Benilde. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *