COVID-19 surges, nararanasan na sa lahat ng mga rehiyon sa buong mundo

Nararanasan na sa lahat ng rehiyon sa buong mundo ang surge o mabilis na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Base sa ulat ng international news organization na Agence France-Presse ay naobserbahan ang  pinakamataas na pagsipa ng mga kaso sa Israel na umabot ng 100 percent.

Ang Israel ang isa sa mga most vaccinated countries sa buong mundo, at sa ngayon ay nagsisimula na ito sa pag-administer ng booster jabs.

Naitala naman sa Japan, na kasalukuyang host ng Olympics ang 97 percent na karagdagang daily cases, habang sa Turkey naman ay nagkaroon ng 56 percent na paglobo sa mga kaso.

Nairehistro naman ang 54 percent na pagtaas sa Pakistan at 49 percent sa Morocco.

Samantala, para sa kasalukuyang linggo ay naobserbahan sa US ang pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso matapos nitong pumalo sa 96,800.