COVID-19 reproduction rate sa Metro Manila bumaba pa sa 0.67 – OCTA research

Bumaba pa sa 0.67 ang COVID-19 reproduction rate sa National Capital Region batay sa datus ng OCTA research group.

Maliban dito naitala din ng grupo ang 14% na bawas sa positivity rate ng naturang sakit.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Batay sa tala ng OCTA umaabot nalang sa 2,642 ang 7-day average ng mga bagong kaso ng COVID-19.

Ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David sa kanilang pagtaya posibleng umabot na lamang sa 1500 hangang 1000 cases per day ang maitatala sa katapusan ng Oktubre.

Read More:  Gatchalian says online memes over impeachment seating hurt

Una nang sinabi si David na nasa moderate risk na ng COVID-19 ang Metro Manila dahil sa patuloy na pagbaba ng mga naitatalang kaso.