BICOL—Pumalo na sa 26,907 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos na madagdagan ng panibagong 215 na kaso.
84 nito ay mula sa Camarines Sur kung saan 28 ang naitala sa Naga city, anim sa Baao, lima sa Iriga City, tig-aapat ang Milaor, Pasacao, San Jose at Tinambac, tatlo sa bayan ng Pili at Calabanga, tigdadalawa ang Balatan, Buhi, Canaman, Libmanan, Minalabac, Pamplona, San Fernando at Tigaon at tig-iisa naman ang Camaligan, Goa, Lagonoy, Ocampo, Ragay, Sipocot at Siruma.
59 ang bagong kaso sa Albay kung saan 24 nito ay mula sa Pio duran, 17 sa Ligao City, sampo sa Guinobatan, apat sa Sto. Domingo, dalawa sa lungsod ng Tabaco at tig-isa ang Camalig at Oas.
47 ang bagong kaso sa Masbate kung saan 25 nito ay mula sa Masbate city, siyam sa Mobo, pito sa Esperanza, dalawa sa Milagros at tig-iisa ang Cataingan, Claveria, Palanas at Pio V. Corpus.
Ang Sorsogon ay may 24 na bagong kaso kung saan tigwalo nito ay naitala sa Juban at Sorsogon city, tigdadalawa ang Bulan, Magallanes at Matnog at tig-isa ang Casiguran at Gubat.
Parehong zero new case ang Camarines Norte at Catanduanes habang mayroon namang isang bagong nagpositibo na mula sa labas ng Bicol.
Mayroon ding 11 mga taga Bicol na sa labas ng rehiyon nagtest positive kung saan siyam nito ay mula sa lungsod ng Naga at dalawa ang mula sa ibang bayan sa Camarines Sur.
Samantala, pumalo na sa 20,998 ang total recoveries matapos na madagdagan ng 45 panibagong gumaling na pawang mula sa lalawigan ng Sorsogon.
Umabot na rin sa 961 ang death toll matapos na madagdagan ng pitong bagong nasawi kung saan apat nito ay mula sa Sorsogon, dalawa sa Albay at isa sa Masbate.
Kaugnay nito ay patuloy ang paalaala ng Department of Health (DOH) Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### || slm