COVID-19 cases sa bansa posibleng bumaba sa 1,000 sa katapusan ng Nobyembre – OCTA

Posibleng bumaba pa sa hindi lalampas sa 1,000 kaso ng COVID-19 kada araw ang maitatala sa bansa pagsapit ng katapusan ng Nobyembre.

Ito ang nakikita ng OCTA research batay sa mga datus na kanilang nakukuha.

Ayon kay OCTA research fellow Dr. Guido David ang kanilang pagtaya ay kasunod ng naitalang 1,500 hangang 1,700 COVID-19 cases per sa unang linggo ng Nobyembre.

Mas mababa umano kesa sa nauna nilang forecast na mahigit 2,000 cases per day para ngayong buwan.

Dahil dito kung kaya’t naniniwala ang grupo na mas magiging masaya ang pasko ng mga Pinoy kung magtutuloy-tuloy ang downtrend ng COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *