COVID-19 cases 5,000 hanggang 6,000 nalang kada araw sa Disyembre – Eksperto

Posibleng bumaba sa 5,000 hangang 6,000 kaso ng COVID-19 kada araw ang maitatala ng bansa pagsapit ng Disyembre.

Ito ang forecast ng OCTA research kasabay ng patuloy na pagbaba ng bilang ng kaso ng corona virus disease.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Ayon kay OCTA research fellow Guido David nakikita nilang patapos na ang surge sa NCR, Calabarzon, Central Luzon, Cebu, at iba pang lugar.

Sinabi ni David na pagsapit ng Disyembre maari nang ibaba ang sa alert level 1 or 2 ang quarantine status sa Metro Manila na kasalukuyang nasa Alert level 4.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Nagbabala naman si David sa posibleng surge ng Delta variant sa ibang mga probinsiya sa bansa.