COVID-19 reproduction number sa Pilipinas bumaba sa 0.96 – OCTA

Bumaba sa 0.96 ang COVID-19 reproduction number sa buong Pilipinas ayon sa OCTA research group.

Ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David mas mababa ito mula sa 0.98 na naitala nitong nakalipas na araw.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Nagtala din umano ang bansa ng averaged 17,293 COVID-19 cases mula September 22 to 28 habang ang growth rate ay umabot sa -11% kumpara noong September 15-21 period.

Sinabi ni David na bagama’t may downward trend sa Metro Manila ilang mga lugar naman sa bansa ang nagkaroon ng surge.

Read More:  DepEd prepares flexible learning rules for Super El Niño

Sa kabila ng pagbaba ng bilang sa kaso ng COVID-19 binigyan diin ni David na nanatiling nasa high capasity pa rin ang ospital sa maraming lugar.