Content Creator sa Nigeria, sinubukang umiyak  sa loob ng halos limang araw, pansamantalang nawalan ng paningin; World record nakamit kaya?

PANSAMANTALANG nabulag ang isang content creator sa bansang Nigeria matapos niyang subukang umiyak sa loob ng halos 100 oras o maglilimang araw sa pagtangkang makamit ang Guiness World Record bilang longest time crying.

Nakaramdam ang content creator ng pananakit ng ulo, pamumula ng mga mata at pamamaga ng mukha habang isinasagawa ang kakaibang pagtangka.

Habang patuloy siya sa pag-iyak bigla na lamang siyang nawalan ng paningin pero unti-unti namang bumalik ang kanyang paningin.

Nang malaman ng Guiness World Record, ang kanyang ginawa hindi kinilala ng nasabing world record organization bagkus nagbigay pa sila ng paalala sa mga record-breakers, na iprayoridad ang kalusugan at buhay. ### KENNETH BERMIL