Contempt order vs Sheila Guo, lifted na

Ikinasa na ngayong umaga ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality ang kanilang huling pagdinig hinggil sa Philippine Offshore Gaming Operator.

Kung saan, inalis na ni Risa Hontiveros ang kanilang contempt order laban kay Sheila Guo matapos ang naging pagtestimonya nito sa naging paraan ng kanilang pagtakas sa bansa kasama si Alice at Wesley Guo.

Read More:  Lawmaker pushes for passage of 5% student discount bill

Kasunod ng order na ito, direktang inutusan ng senadora ang Office of the Sergeant-at-Arms na ilipat ang kustodiya ni Sheila sa Bureau of Immigration para sa kanilang inihaing Mission Order.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Samantala, tiniyak ng senadora na papanagutin nila sa ilalim ng batas ang sinumang taong mapatunayan nilang nasa likod nito.