Contact Tracer team leader isinilarawan ang kanilang trabaho bilang contact tracer

SORSOGON CITY – “Mahirap na masarap.”

Ganito isinalarawan ni Francis Ranola, isa sa 5 team leader ng mga contact tracers ng lungsod ang kanilang trabaho.

Sa pahayag sa Brigada News FM-Sorsogon ni Ranola sinabi nito na mahirap ang kanilang trabaho sa aspetong hindi birong init at minsan naman ay ulan ang kanilang sinusuong para suyurin at hanapin ang mga possible contacts ng isang covid positive na pasyente.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Aniya, masarap naman kapag nakatatanggap sila ng pagpapahalaga at pagpapasalamat mula sa mga taong kanilang nasebisyuhan at natulungan.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Dagdag pa nito, bagama’t mahirap, masarap naman umano sa pakiramdam na mayroon silang natutulungan at nababatid ng publiko ang kahalagahan ng mga contact tracers at ng kanilang trabaho.

Sa kasalukuyan ang lungsod ng Sorsogon ay mayroong 34 na bilang ng mga contact tracers.