NAGA CITY – Patay nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga kalalakihan ang isang Construction Worker sa Lagonoy Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Livy Caganda, 38-anyos, Construction Worker at residente ng Brgy. Del Carmen.
Lumalabas sa imbestigasyon ng mga otoridad, dalawang hindi pa kilalang lalaki ang pumunta umano sa bahay ng biktima at inimbitahan ito sa labas para sa isang pag-uusap.
Kaagad namang sumunod si Caganda sa dalawa at pagdating nito sa labas ng bahay ay pinagbabaril ng dalawang lalaki hanggang sa ito ay mamatay. Kaagad namang umalis sa lugar ang mga salarin habang ang biktima ay hindi na nagawa pang madala sa pagamutan.
Nag papatuloy ang imbestigasyon ng PNP upang matukoy ang salarin at motibo sa krimen.
Hinihikayat ni PMaj. Romeo Ranara ang publiko na makipag-ugnayan sa kanila ang simunang makapagtuturo sa mga responsable sa pamamaslang.