Construction worker patay sa landslide sa Liliw, Laguna

Patay ang isang construction worker at sugatan ang 2 nitong kasamahan matapos matabunan ng gumuhong riprap project sa Barangay Calumpang sa Liliw, Laguna.

Base sa ulat, nagtatayo ng riprap ang mga biktima sa river dam sa lugar nang bigla nalang nagkaroon ng landslide dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan.

Read More:  Two Davao Mighty Steel workers test positive for high radiation exposure, NBI says

Kinilala ang nasawi na si Vijay Estanda Salisod, 36, habang naligtas naman ang dalawa pang construction worker na malubhang nasugatan na sina Joel Apostol Basco, 41, at Eduardo De Chavez Dela Cueva, 59, na kapwa mga residente ng nasabing lugar.

Read More:  19-year-old woman found dead in Lupon, Davao Oriental, with head injury

Kasunod nito, inatasan ni Gen. Armamento, Chief of Police ng Liliw, Laguna na i-cordon-off ang lugar at makipag-coordinate sa local government unit (LGU) ng Liliw at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office para maiwasang maulit ang insidente.