Construction worker, arestado sa patong-patong na kaso

Nahaharap sa tatlong kaso ang isang 44-anyos na construction worker makaraang arestuhin ito ng mga tauhan ng Bulusan MPS sa Brgy Sabang ng nasabing bayan.

Nakilala ang akusado na si Anel Mandin Furio, may asawa at naninirahan sa nasabing barangay.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Isinilbi kay Furio ang warrant of arrest na inisyu ng RTC Br 54 Gubat, Sorsogon na may petsang Disyembre 2, 2022 dahil sa paglabag sa 2 counts of statutory rape by sexual assault at statutory rape by carnal knowledge na parehong walang itinakdang piyansa.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Nasa kustudiya na ito ng Pulisya para sa kaukulang disposisyon.