CHR Commissioner, iginiit na kailangan pang pagtibayin ang karapatang pantao sa Pilipinas

Umapila ang Commission on Human Rights sa gobyerno na higitan pa ang kasalukuyang performance nito upang maprotektahan ang karapatang pantao.

Giit ni CHR Commissioner Beda Epres, na bagama’t marami na umano silang nagawa noong mga nakaraan, at maraming hamon ang nararanasan, ay batid umano nilang kaya at marami pa silang magagawa.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Binigyang-diin din ni Epres ang female empowerment sa bansa kung saan mas naging marespeto umano ang mga Pilipino sa pagpapataas ng kalidad ng buhay ng mga kababaihan.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Bukod dito, paliwanag ng commissioner na napaganda ang proteksyon sa mga bata dahil sa pagpapatupad ng mga batas, gaya ng Republic Act No. 10630 o ang Act Strengthening the Juvenile Justice System, at maraming iba pa.