PBBM, inaasahang lalagdaan na ngayong buwan ang farm-to-market roads

Nakatakdang pirmahan ngayong buwan ni Pangulong Ferdinand “Bong Bong” Marcos Jr. ang joint administrative order para sa pagtatatag ng farm-to-market roads.

Ayon kay Marcos, aprubado na ng FMR ang nasabing panukala, at mayroon nang national timetable ang bansa para sa naturang plano.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Ang administrative order na farm-to-market roads ang siyang magbibigay ng alituntunin para bigyang daan upang ang lahat ng FMRs na konektado sa iba pang infrastructure projects.

Sisiguraduhin nito ang efficiency ng delivery of services at pauunlarin ang agricultural programs.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Bukod dito, paliwanag ng tumatayong kalihim ng Department of Agriculture, na ang FMR masterplan ay magsisilbing gabay sa gobyerno upang maisulong ang food security at pagpapalakas sa rural communities.