Itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos si Negros Occidental Representative Jose Francisko Bantug Benitez bilang bagong Director General ng TESDA.
Kasunod ito ng pag resign sa pwesto ni Suharto Mangundadato dahil kakandidato sa nalalapit na BARMM election.
Si Benitez ay Chairperson ng Committee on Housing and Urban Development sa House of Representatives.
Tiwala ang Pangulo sa kakayanan ni Benitez na pamunuan ang TESDA upang makamit ang layunin nito na mapabuti ang technical skills nh mga Pilipino at itaguyod ang mga oportunidad sa pag aaral at paunlarin ang ekonomiya sa pamamagitan ng edukasyon at pagpapaunlad sa kanilang kasanayan.
Inaasahang agad gagampanan ni Benitez ang bagong tungkulin nito sa TESDA sa lalong madaling panahon.
Habang kinikilala rin ng administrasyon ang naging kontribusyon ni Mangundadato sa TESDA.