Napagdesisyonang isuspinde ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang 2023 Revised Guidelines sa Departure Formalities for International-Bound Filipino Travelers, sa gitna ng pag-aalala ng publiko na ang mga alituntunin ay lalabag sa constitutional right mag-travel.
Ang temporary suspension na ito ay inanunsyo ng Department of Justice (DOJ), na siyang lead agency of IACAT.
Ayon sa DOJ, hindi naaapektuhan ng naturang pagkakasuspinde ang umiiral na batas at alituntunin pagdating sa pag-travel at immigration procedures.
Lahat umano ng extisting rules at guidelines ay patuloy na ipatutupad hanggat wala pa silang inaanunsyong pagbabago.
Sa huli, binigyang-diin na ang layunin ng pagre-revise ng guidelines ay mapabilis ang departure procedure, at matiyak ang mas epektibo at secured na proseso para sa mga indibidwal na magta-travel abroad.