NAGA CITY- Sinisimulan nang buohin ng Metropolitan Naga Water District (MNWD) ang Comprehensive Development Plan para sa taong 2050 kung saan nakapaloob ang mga proyektong nais isulong at ipatupad ng opisina para sa mas ligtas at sapat na supply ng tubig sa lungsod at karatig bayan.
Sa press conference na isinagawa kahapon kaugnay ng ika-45 anibersaryo ng opisina, sinabi ni Gilbert Albero, Chairman ng Board of Directors na habang maaga pa ay may mga inilalatag na silang mga plano kung paano mapaparami ang supply ng tubig lalo na’t dumarami na ang mga commercial buildings sa lungsod na makakapagdagdag din sa pagkonsumo ng tubig.
Sa ngayon, mas pinaghahandaan ng opisina ang epekto ng El Niño Phenomenon kung saan base sa kanilang huling ocular inspection sa watershed sa Mt. Isarog, nagpapakita ito ng magandang performance na halos 30% ng naisusupply na tubig sa mga residente ay nanggagaling dito.