Completely vaccinated individuals vs COVID-19 sa Bicol pumalo na sa mahigit 651k

BICOL—Umaabot na sa 651,538 ang kabuuang bilang ng mga completely vaccinated laban sa COVID-19 sa Bicol region.

Base ito sa pinakahuling vaccine statistics report ng Department of Health (DOH) Bicol kung saan 414,342 na ang mga nakatanggap ng second dose habang 237,196 ang mga nabakunahan ng one shot Janssen vaccine.

Umaabot naman sa 660,367 ang mga naturukan ng first dose na naghihintay ng second dose ng bakuna. Katumbas ito ng 21% na mga nabakunahan kung saan 15% na ang fully vaccinated.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

100% na ang mga nababakunahan sa target na bilang ng mga healthcare workers o A1 priority group kung saan 181% na ang fully vaccinated; 49% ang nabakunahan sa A2 o senior citizen kung saan 46% na ang fully vaccinated; 70% sa A3 o individuals with comorbidity at 54% na ang fully vaccinated; 11% sa A4 o uniformed personnel kung saan 4% na ang fully vaccinated habang 2.25% naman ang mga nabakunahan sa other priorities kung saan 0.39% pa lamang ang mga fully vaccinated.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Sa kabuuan, umaabot na sa 2,042,720 doses ng COVID-19 vaccine ang natanggap ng Bicol region at nasa 1,311,905 doses na nito ang naibakuna o 64%.### || slm