19 anyos na binatilyo arestado sa panggagahasa sa isang menor sa Legazpi City

LEGAZPI CITY  – Sa hangarin ng Albay Kasurog Cops na  mabigyan ng hustisya ang mga taong nakaranas ng karahasan, lalo na ang mga kababaihan na biktima ng pang-aabusong sekswal, ay hindi ito tumitigil at patuloy ang paghahanap at pagsilbi ng warrant of arrest sa nasabing lalawigan. 

Kaya naman dakong 1:15 ng hapon ay muling nagsagawa ng “manhunt operation” ang mga tauhan ng Legazpi CPS, na nagresulta sa pagkakahuli sa binata na wanted sa panggagahasa sa isang 15-anyos na dalagita. Kinilala ang akusado sa pangalang “Mark Kevin”, 19 anyos, binata, at residente ng nabanggit na lugar.

Read More:  Negrense youth defies challenges, finishes among PMA’s finest

Ayon sa salaysay ng biktima, habang nag-iinuman di umano sila sa isang kubo kasama ang akusado at  kaibigan nitong lalaki ay dinala di umano siya sa malapit na dalampasigan at pwersahang  pinagsamantalahan ng mga ito.

Read More:  Mayon unrest pushes Albay farm damage beyond P6.6 million

Matapos umano ang panghahalay ng akusado ay sinabihan pa nito ang kaibigan na “Ikaw na ang sunod”.  Matapos ang panggagahasa ng magkaibigan ay iniwan na lang di umano siya nito sa nasabing lugar.

Ang naarestong salarin ay kasalukuyan ng nasa kustodiya ng nabanggit na himpilan para sa dokumentasyon bago siya dalhin sa korte na magtatakda ng kanyang kulungan