Community transmission ng Delta variant, present na sa PH – Ph Genome Center

Inihayag ng Philippine Genome Center (PGC) na mayroon nang community transmission ng Delta variant ng coronavirus sa Pilipinas, dahil sa dami na ng kaso ng virus na hindi alam kung saan nagmula.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Palagay ni PGC Executive Director Dr. Cynthia Saloma, may kinalaman ang Delta variant sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Kahapon nang magtala ang bansa ng bagong all-time high 17,231 na mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan para sumipa ang nationwide tally sa 1,807,800.

Read More:  Gatchalian says online memes over impeachment seating hurt

Matatandaan na huling naitala ang highest daily increase sa 15,310 noong April 2.

Sa ngayon, nasa 123,251 pa ang kabuoang active cases. // MHEL PACIA-TRINIDAD