Community Pantry Organizers kailangan makipag-coordinate sa LGUs – NCR Mayors

Naglabas ng resolusyon ang Metro Manila Council (MMC) na mahigpit na naghihimok sa mga community pantry organizers na ipaalam ang kanilang mga aktibidad sa mga local government units (LGUs), upang matiyak na ang mga health protocols laban sa pagkalat ng COVID-19 ay maipapatupad ng maayos.

Read More:  House prosecutor opposes online voting in Sara Duterte impeachment trial

Sa ilalim ng resolusyon, nakasaad na ang koordinasyon ay layuning matiyak na masu-sustain ang mga pagbabago sa bagong imposition ng strict quarantine measures.
Ang MMC na binubuo ng lahat ng mga alkalde sa Metro Manila ay ang policy-making body ng MMDA.

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Nabatid na ang resolusyon ay kasunod ng pagdagsa ng mga tao sa community pantry ni Angel Locsin sa Quezon City, kung saan may isang matanda rin na binawian ng buhay habang nakapila.