Community outreach program, isinagawa ng 1st IPMFC sa agta community sa San Mariano Isabela

COMMUNITY OUTREACH PROGRAM, ISINAGAWA NG 1ST IPMFC SA AGTA COMMUNITY SA SAN MARIANO ISABELA Isinagawa kahapon ng 1st Isabela Provincial Mobile Force Company sa pamumuno ni PLtCol Ruben M.Martinez,Force Commander ang Community Outreach Program sa Sitio Andarayan Brgy.Dibuluan bayan ng San Mariano Isabela kung saan namahagi ang mga ito ng grocery pack sa Agta Community.

Katuwang ng 1st IPMFC ang National Commission on Indigenous People (NCIP) Isabela, LGU-San Mariano, Department of Agriculture, Philippine Army, at Brgy Officials, Faith-based Groups, Life Coaches at mga miyembro ng National Coalition Lingkod Bayan Advocacy Support Groups at Force Multipliers.

Labis ang kasiyahang naramdaman ng mga katutubong Agta matapos na matanggap ang mga grocery pack mula sa mga kapulisan .

Nagpakitang gilas naman ang mga ito sa pamamagitan ng kanilang traditional ethnic dance na ikinatuwa ng mga bisita.

Naghanda din ang mga ito ng salo salo upang iparamdam sa mga katutubo na hindi sila naiiba at dapat na ituring na kapamilya.

Nagpasalamat naman ang pinuno ng Agta Association sa mga kapulisan at mga katuwang na ahensiya sa pag-abot ng kaunting tulong sa kanilang komunidad at pagpaparamdam na sila ay hindi kinakalimutan ng gobyerno./// analiza

Enter

You sent

Open photo

Open photo

Open photo

Open photo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *