20 pares ng mga magsing-irog, ikinasal sa Baysanang Bayan 2024!

BATANGAS CITY – Pormal ng mag-asawa ang nasa dalawampung pares na mga magsing-irog matapos silang maikasal sa ginanap na Baysanag Bayan 2024 sa Batangas City.

Ginanap ang kanilang kasal kahapon July 9, 2024 na idinaos naman sa Batangas City Sports Center.

Pinag-isang dib-dib sila ng ina ng lungsod ng Batangas sa isinagawang libreng mass wedding na pinangunahan ng Civil Registrar’s Office.

Layunin nito na maging lehitimo na ang pagsasama ng mga ito at ma-legitimize ang nasa dalawampu’t anim na bunga na bunga ng kanilang pagmamahalan.

Samantala, nagkaroon din ng pre-nup at wedding photos at wedding dance ang mga bagong mag-asawa at ang subuan ng cake.

Nabatid na ang naturang baysanan ay parte rin ng pagdiriwang para sa 55th Founding Anniversary ng Lungsod ng Batangas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *