Deworming Kick-Off and Advocacy Campaign ng DOH IV-A sa Taal, Batangas, naging matagumpay!

Nagsagawa ng Deworming Kickoff at Advocacy Camapaign ang Department of Health Calabarzon kasama ang Provincial Health Office, at Taal Municipal Health Office sa Taal Batangas.

Ito ay kasabay ng pagdaraos ng National Deworming Month ngayong Hulyo.

Layunin ng aktibidad na mabigyang kahalagahan ang deworming sapagkat maiiwasan nito ang anemia, malnutrisyon, panghihina, at stunting o pagkabansot ng mga chikiting dala ng Soil Transmitted Helminthiasis (STH).

Ayon kay Nutritionist-Dietitian II (PHO), Gng. Carlota Abratigue mahalagang malaaman ng bawat isa kung paano maiiwasan ang pag kakaroon ng Helmianthiasis o Parasitismo.

Samantala, nilinaw ng ahensya na ang Deworming na panandiliang interbensyon ay kaakibat ng programang WASH na pang matagalang interbensyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *