Comelec walang nakikitang bantang panseguridad sa bayan ng Basud ngayong halalan

CAMARINES NORTE- Tiniyak ng Commission on Elections na wala itong nakikitang bantang panseguridad sa bayan ng Basud, Camarines Norte ngayong halalan.

Ayon kay Election Officer III Virgilio Veras wala naman silang napag uusapanng anumang posibleng banta sa seguridad sa mga nakalipas na  Municipal Joint Security Control Center meeting.

Ang target umano ng komisyon ay magkaroon ng Safe, Accurate at Fair elections hindi lang sa bayan ng Basud kundi sa buong lalawigan ng Camarines Norte.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Dagdag pa ng opisyal na sa ngayon ay napakatahimik sa naturang bayan at sana raw ay magtuloy- tuloy ito hanggang sa araw ng halalan.

Hangad umano ng komisyon na makapili ang mga botante ng gusto nilang lider mula sa municipal hanggang sa national level.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Pangalawa ang Basud sa may pinakamaraming barangay sa lalawigan na mayroong 29.

Mayroon itong 196 precincts at 51 clustered precincts at 26 na voting center.

Nasa 28, 107 ang registered voters sa naturang bayan na seserbisyuhan ng 153 Electoral Boards.