4 na centenarians mula Daraga, Albay natanggap na ang P100K cash reward mula sa DSWD Bicol

Leagzpi City- Nakatanggap ng Php 100,000 ang apat na centenarians sa Daraga, Albay mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol.

Ang mga ito ay sina Cirila Anzano, Euginio Llames, Tomasa Roces, at Adelaida Llanera na mula sa mga barangay ng San Ramon, San Roque, Maroroy at Sagpon.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Head of MSWD Emma Lindio, sa katunayan aniya lima ang mga centenarians na ito ngunit hindi pa nakasama ang isa dahil nasa Maynila at hindi pa nakakauwi.

Dagdag pa niya taong 2021 pa ang mga ito tumungtong sa edad na 100 ngunit ngayon lamang naibigay ang cash gift dahil nagkaroon ng konting delay.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Kung matatandaan sa ilalim ng RA 10868 series of 2016 o ang Centenarians Act of 2016, lahat ng Pilipinong aabot sa edad na 100 ay pagkakalooban ng pamahalaan ng Letter of Felicitation at halagang Php 100,000.

Ito ay bilang pagkilala at pagbibigay respeto sa mga senior citizens na nakaabot ng 100 years at higit pa.