COMELEC, uumpisahan na ang ‘full swing’ BSKe official ballots printing sa Lunes

Simula sa araw ng Lunes ay uumpisahan na ng National Printiing Office (NPO) ang ‘full-swing’ sa pag-iimprenta ng mga official ballots na gagamitin sa barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Disyembre.

Sa isang pahayag, sinabi ng Commission on Elections na alas-diyes ng umaga sa Lunes ay magwa-100% na ang pag-iimprenta ng NPO.

Ito ay kasunod ng idinaos na ‘soft-launch printing’ kamakalawa matapos ang nilagdaang memorandum sa pagitan ng NPO at ng COMELEC.

Hinikayat naman ang mga citizen arm groups at mga poll watchdog na saksihan ang ballot printing.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

COMELEC, malapit nang makumpleto ang ilang election paraphernalia para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections

Muling sinabi ng Commission on Elections na malapit nang matapos ang kanilang preperasyon para sa barangay at Sangguniang Kabataan Elections sakali mang matuloy ito ngayong Disyembre.

Ito ay kahit na nakalusot na sa bicam ng Senado at ng Kamara ang panukala para ipagpaliban ang naturang halalan sa susunod na taon.

Ayon kay COMELEC spokesperson Dir. John Rex Laudiangco, tapos na ang procurement nila sa mga election paraphernalias para sa BSK elections at inaasahang makararating na sa kanilang tanggapan sa loob ng dalawang linggo.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Kamakalawa rin nang umpisahan na ng National Printing Office ang pag-imprenta para sa mga official ballots.

Bago ito, una nang tiniyak ng poll body na tuloy man o hindi – hindi masasayang ang mga na-imprentang balota dahil magagamit pa ito sa petsang itatakda ng Kongreso.
#

RELATED STORIES:

Panukalang postponement sa Barangay at SK polls lagda nalang ni PBBM ang kulang

Barangay league chief, pabor na ipagpaliban ang BSK elections