Comelec tuloy- tuloy lang ang paghahanda para sa Barangay at SK Elections sa Disyembre, polling places sa bayan ng Basud ininspeksyon

CAMARINES NORTE- Tuloy- tuloy lang ang ginagawang paghahanda ng Commission on Elections para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Disyembre.

Ito ay sa kabila ng mga panukalang ipagpaliban ang halalan na pinag uusapan na ngayon sa dalawang kapulungan ng kongreso.

Sa bayan ng Basud ay natapos na ng Comelec ang pag inspeksyon sa polling places na sinimulan noon pang nakatalikod na buwan.

Ayon kay Election Officer III Annelyn Abanes mayroong 28, 696 na registered voters sa 29 na barangay ng naturang bayan.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Mayoon itong 26 na polling places, 198 total precints at 89 clustered precincts.

Mayroong hanggang September 30 ang Comelec para mag inspection sa polling places.

Nagsagawa na rin ng posting ng Computerized Voters List ang Comelec sa naturang bayan.

Matatandaan na noong Agosto ay inaprubahan ng House Committee on Suffrage and Electoral Reform ang rekomendasyon para ipagpaliban muna ang halalan sa Disyembre 5.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Sa pagdinig ng komite ay inaprubahan ng mga mambabatas na isagawa ang hahalan sa Disyembre 5, 2023.

Nakasaad sa Committee report na ang pag-upo sa puwesto ng mga mahahalal na opisyal ng Barangay at SK ay magsisimula alas-12 ng tanghali sa Hunyo 1, 2024 kung saan magsisilbi ang mga ito ng tatlong taong termino.