Comelec – Tuloy ang barangay at SK polls sa Disyembre

Binigyang diin ng Commission on Elections (Comelec) na tuloy ang pagsasagawa ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Disyembre.

Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, sisimulan na sa susunod na buwan ang pagpa-plano para dito.

Read More:  House prosecution panel names official spokespersons for Duterte impeachment

Pero sa sakali naman umanong maaprubahan ng Kongreso ang postponement at pirmado ng pangulo, handang tumalima ang Comelec dito.

Sa katunayan, isa sa mga bahagi ng kanilang paghahanda ay ang resumption ng voter registration na gagawin na sa Hulyo, at nagsisimula narin umano ang commission na maghanap ng mga election paraphernalia na gagamitin.

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Sa gitna nito, muling binigyang diin ni Garcia na hindi pa nakakatanggap ang Comelec ng pondo para sa barangay polls, taliwas sa mga ulat na nagamit na nila ito.