Palasyo: Susundin ang tradisyon sa inagurasyon ng susunod na pangulo

Inihayag ng Palasyo na susundin ang tradisyon sa inauguration rites para sa susunod na pangulo ng Pilipinas.

Ayon kay acting presidential spokesperson Secretary Martin Andanar, na bagama’t ang venue at iba pang usapin hinggil sa inagurasyon ay magdedepende sa team ng presumptive president, may mga itinakdang protocols at tradisyon na kailangan umanong sundin.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing
Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Halimbawa nalang umano dito ay ang pag-welcome ng isang papalabas na pangulo sa bagong pangulo.

Samantala, sa ngayon ay wala pang itinakdang pulong sa pagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte at incoming president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.