Comelec precinct finder, offline pa din ilang linggo bago ang eleksyon

Inihayag ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner George Erwin Garcia na offline pa din ang kanilang precinct finder ilang linggo bago ang eleksyon ngayong taon.

Ayon kay Garcia, hinihintay pa nila ang impormasyon mula sa Department of Information and Communications Technology (DICT) ukol dito upang maisapubliko na nila ang naturang serbisyo.

Read More:  Lacson: online participation may not be allowed in impeachment trial

Maaaring i-check ng mga rehistradong botante ang kanilang precinct location gamit ang kanilang buong pangalan kabilang ang city o municipality kung saan sila nagparehistro.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Samantala, sinabi ni Garcia na kinukompleto na nila ang re-printing ng nasa 372,878 na mga defective ballots. || ARGIE ERGINA