COMELEC pinalawig ang oras ng voter’s registration sa Sorsogon

SORSOGON CITY – Isa ang lalawigan ng Sorsogon na pinahaba ng Commision on Elections (Comelec) ang voter’s registration hour.

Sa isang press release na ipinalabas ng nasabing Komisyon, may piling lugar lamang ang pinalawig ang oras ng pagpaparehistro.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Kinabibilangan din ito ng NCR, ilang bayan sa Pangasinan, Tarlac, Quezon, Camarines Norte at ilang lungsod sa Cebu.

Ayon sa kalatas, pinahaba ang voter registration hours mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 7:00 ng gabi tuwing Lunes hanggang Biyernes, subalit hanggang alas 5:00 ng hapon lamang tuwing Sabado.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Nakasaad pa sa kalatas na ang mga lugar na hindi nabanggit ay hindi sakop ng ekstensiyon at mananatiling hanggang alas 5:00 ng hapon ang registration hours.