COMELEC, nanindigang walang dayaan nangyari ngayong halalan

Tiniyak ng Commission on Elections na handa itong humarap sa proper forum sakali mang mayroong pormal na maghain ng reklamo para kuwestiyunin ang resulta ng halalan.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni COMELEC Dir. and acting spokesperson John Rex Laudiangco na walang basehan ang mga alegasyon nagkaroon ng dayaan sa eleksyon.

Nakahanda ang COMELEC na humarap sa Korte at sa mga prosesong ilalatag ng mga tribunals.

Aniya, sa ngayon daw ay mahirap pang mapatunayang mayroong hokus pokus sa resulta ng halalan lalo na’t dumaan sa certification ang kanilang system.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Nagkaroon din aniya ng local source code review kaya naman malabong mangyari na mayroong mga ipapanalo o ipapatalong mga kandidato.

Maliban pa rito, bukas din aniya ang poll body na muling i-check ang mga election returns sa bawat probinsya.

Sa huli, sinabi ng poll body official na nirerespeto nila ang karapatan ng mga Pilipinong nagkikilos protesta.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Samantala, sa mga oras na ito ay lumipat na sa Liwasang Bonifacio ang mga grupo na nagsagawa ng kilos protesta sa tapat ng tanggapan ng COMELEC kanina sa Intramuros, Manila.

Nagtipun-tipon ang mga ito sa COMELEC para kuwestiyunin ang resulta at integridad ng halalan.

Tinutulan ng mga ito ang paunang resulta ng eleksyon, at kinundena ang nakaambang panunumbalik ng isang Marcos sa Palasyo.
#