VP Robredo, nakatakdang dumalo sa ‘Misa ng Pagkakaisa at Pasasalamat’ sa Naga

NAGA CITY- Libo-libong mga taga suporta ang tumungo sa Plaza Quince Martires at Plaza Rizal kagabi para sa isang prayer vigil, panalangin na mabigyan ng malinaw na isip ang mga nararapat lalo na ang mga nagpapatakbo ng halalan.

Ayon kay Abang Mabolo ng Solid Leni Bicol ito ay porma ng pagpapahayag o ekspresyon ng damdamin.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Ang pagtitipon mag hahating gabi Mayo 9 ay masusundan ng Misa ng Pagkakaisa at Pasasalamat sa Metropolitan Naga Cathedral kung saan dadalo si Vice President Leni Robredo.

Pangungunahan ang misa ni Archbishop of Caceres Rolando J. Tria Tirona, OCD, DD , ang tubong Maynilang Arsobispo una nang nagpapakita ng suporta sa opisyal.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Bandang alas-3 naman kanina nag magtipon ang mga kabataan sa Plaza Rizal, pinangunahan ito ng Jovenes Anakbayan Naga City, nagpapahayag din ng pagkadismaya sa Local and National Elections 2022.#(JANESSA SAVILLA)